Paul's Blog

Water supply problem in Garden Villas 3 Sta. Rosa Laguna

BWSI

It’s been years until now di parin naaayos ang problema sa tubig sa Garden Villas 3, Sta. Rosa, Laguna. Ang naturang supplier ng tubig Balibago Waterworks System, Inc. hanggang ngayon wala parin ginagawang aksyon sa mga reklamo sa kanila water supply. Madumi ang tubig, maitim minsan at may buhangin din at ito ay malaking problema sa mga homeowners ng Garden Villas 3. May oras na sa sobrang dumi ng tubig ay nakaka diri na gamitin kahit sa pang ligo at di rin mapakainabang ang tubig kahit sa pang saing man lang at ito ay baka makadulot pa ng sakit.

Sana ang problemang ito ay matugunan ng pamahalaan ng Sta. Rosa Laguna, para sa Balibago waterworks sana harapin nyo at ayusin ang problema, ang galing nyo magputol ng tubig kung late lang ng konti ang bayad, ang galing nyo maningil akala mo naman napakaganda ng quality ng inyong water supply. Dapat nga bigyan nyo ng rebate ang mga homeowners dahil sa dinulot ninyo na perwisyo..konting hiya naman >.<

What do you think about this post?

Scroll Up